33% PDLs sa BJMP facilities, fully vaccinated na vs COVID

Naitala ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang nasa 40,875 inmates o persons deprived of liberty (PDLs) na nakakulong sa iba’t-ibang detention facilities ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon sa DILG, ang mga nabakuhang inmates ay binubuo ng 33 percent ng 123,499 PDLs sa BJMP jail facilities na fully immunized laban sa coronavirus.

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Samantala, 75,970 o 61.5 percent ng PDLs ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año , ang pagprotekta sa PDLs sa pamamagitan ng pagbabakuna ay nasa puso sa mandato ng BJMP na panatilihing ligtas at tiyakin ang kanilang kapakanan.

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Dagdag ni Año, bilang bahagi ng kanilang commitment, hindi umano sila titigil hanggang sa lahat ng mga kakakulong sa BJMP-supervised jails ay magiging fully vaccinated. //MHEL PACIA-TRINIDAD