32nd South Luzon Area Business conference na gaganapin sa Naga

NAGA CITY –Humarap sa isang press conference kahapon ang mga opisyal ng Metro Naga Chamber of Commerce and Industry para ilabas ang ilang impormasyon hinggil sa  pinaghahandaan nilang 32nd South Luzon Area Business Conference na gaganapin sa Naga City sa darating na ika -3 at ika-4 ng Agosto.

Dalawang araw na malaking aktibidad ito ng mga negosyante hindi lang galing sa lungsod, sa Camarines Sur, kundi sa maging sa ibang lalawigan at rehiyon ng Southern Luzon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa paghahanda, nabanggit ni MNCCI President Joseph Cruz na hindi naging madali sa kanila ang pakikipag-ugnayan sa kapwa negosyante lalo pa at nagkaroon ng pandemya na dala ng COVID-19.

Ang iba aniya sa kanila ay paunti-unti pa lang nakakabawi, lalo na iyong mga nagsara ng business establishments at masuwerte iyong mga nakabawi na rin na halos ngayong balik sa normal na ang lahat.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Magkagayunman, umaasa silang lahat na sangay ng Chamber of Commerce and Industry sa buong bansa ay dadalo para sa dalawang araw na aktibidad  pang negosyong ito.

Ang mga inaasahang lalahok para i-showcase iyong kanilang kanya-kanyang produkto ay mula sa Micro-Small –Medium Business Sector.

Kabilang sa naitanong ay ang problema sa trapiko na tiyak mararanasan dahil sa dalawang araw na events na ito.