31 panibagong kaso , 40 nakarekober at 1 pagkasawi dahil sa COVID-19 naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Patuloy na  nakapagtatala ng mataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte ngayong linggong ito

Kahapon naitala ng DOH Bicol  ang 31 panibagong kaso kung saan 8 nito ay mula sa bayan ng Labo, 6 mula sa Vinzons, 5 sa bayan ng Daet at 3 sa Capalonga

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

May tigda-dalawang kaso naman ang mga bayan ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay

Habang tig-i-isang bagong kaso naman ang naitala sa bayan ng Basud, Paracale at Sta. Elena

Samantala, 40 pasyente naman ang gumaling sakit na COVID-19 at may 1 kaso ng pagkasawi ang naitala

Bunsod nito, umaabot na sa 1,585 ang kabuuang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

1,208 dito ay tuluyan ng nakarekober, 79 ang nawalan ng buhay at ang aktibong kaso ay 298