31 barangay Sorsogon, drug free ang status – Regional Oversight Commitee on Barangay Drug Clearing

Nananatiling drug free ang status ng 31 barangay sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa deliberasyon ng Regional Oversight Committee on Brgy Drug Clearing o ROCBDC na pinangunahan ni PDEA Regional Director Edgar Jubay, kabuuang 31 na mga barangay ang retained status bilang drug free barangay at walang active drug personalities o mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Walo sa 31 ana brgy ay mula sa bayan ng Bulan, 1 mula sa bayan ng Casiguaran, 18 barangay naman ang mula sa Magallanes, at 4 na barangay ang mula sa bayan ng Sta. Magdalena.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Isang barangay ang bagong idineklarang drug cleared ay ang Barangay Poblacion, Bacon District sa lungsod ng Sorsogon.

Kinukumpleto na rin ng mga bayan ng Casiguran at Sta. Magdalena ang kanilang mga dokumento para madeklarang drug cleared municiapality sa susunod na deliberasyon ng ROCBDC.