Sekyu, nasawi matapos malunod sa Cagayan

Nasawi ang isang security guard matapos malunod sa bayan ng Claveria Cagayan kaninang umaga, October 11, 2021.

Ang biktima ay kinilalang si Pedro Sanjilan, 27-anyos at residente ng Barangay Centro 3 sa nabanggit na munisipalidad.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Ayon sa MDRRMO Claveria, pasado alas-7 kaninang umaga, habang nagsasagawa ng inspeksyon ang naturang sekyu sa ginagawang seaport ay aksidenteng nahulog ang biktima at tinangay ng alon ng dagat.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Kalaunan ay na-rescue ng mga kasapi ng Maritime at Rescue 41 si Sanjilan na agad dinala sa RHU subalit idineklarang dead on arrival.