22% ng mga kababaihan at 18% ng mga kalalakihan sa bansa, nakaranas ng workplace harassment

Dalawampu’t dalawang porsiyento ng mga kababaihan at 18 porsiyento ng mga kalalakihan sa Pilipinas ang nakaranas umano ng harassment ayon sa isang pag-aaral ng Lloyd’s Register Foundation at pollster Gallup.

Marami sa mga biktima o 47% sa mga kababaihan at 60% sa mga lalaki ay hindi nag-ulat ng insidente dahil sa takot sa epekto at paniniwalang walang mangyayari dito.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon sa World Risk Poll: 2021, mahigit kalahati ng mga lalaking nakaranas ng karahasan at harassment ay dumanas ng psychological harassment habang 47% ng mga babaeng respondents ang nag-ulat na nakaranas din nito.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Natuklasan din ng parehong pag-aaral na 60% ng mga Pilipino ang nagsasabi na ito ay nangyari “tatlo o higit pang beses.”

Isinagawa ang survey sa 1,000 mga Pilipino.