Umabot sa 30 pro-government fighters ang nasawi matapos ang pag-atake sa isang airbase sa Southern Yemen.
Sinabi ng isa sa southern forces Spokesman, tinarget ng mga suspect gamit ng armed drones at missiles ang al-Anad airbase.
Itinuturo namang nasa likod ng pag-atake ang Iran-aligned rebel na Houthi movement na isa sa mga pinakamatinding kalaban ng Yemeni government.
Nananatili namang walang pahayag hinggil sa pangyayari ang Houthi bagamat sinalakay na nito dati ang parehong airbase.
Inihayag ng ilang sundalo na sinubukan nilang pabagsakin ang drone pero hindi nila ito tinamaan.
Matatandaan na matindi ang tinamong pinsala ng Yemen noong 2015 nang sumiklab ang conflict nang maagaw ng Houthi ang kontrol sa malaking bahagi ng bansa kung saan ay umabot sa 130,000 na tao ang nasawi habang milyong tao ang nakaranas ng kagutuman at umasa sa food aid ng United Nations
