30% ng Senior citizen sa Legazpi City, nabigyan na ng financial assistance

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng City Local Government Unit na mabibigyan ng financial assistance ang mga nakarehistro sa Office for Senior Citizens’ Affairs (OSCA) ng nasabing lungsod.

Ayon kay Mayor Noel Rosal ng Legazpi, nasa 30% pa lang ang kanilang nabibigyan ng ayuda sa mga nasabing benepisyaryo.

Aabot sa P1,500 ang kanilang matatanggap na perang tulong financial mula sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nasa P30M naman ang inilaan na pondo ng lungsod para sa one time pay-out na nasa 18, 156 senior citizen na rehistrado.

Sinabi ng opisyal, ang mga wala pa sa listahan o hindi pa myembro ng OSCA ng lungsod ay kinakailangan pang ipaapproba sa Sangguniang Panlungsod upang mabigyan ang mga ito.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Samantala, para sa mga Person’s With Disability (PWD) ay kinakailangan mapag-aralan muna kung sinu ang nararapat na mabibigyan.

Aniya, kailangan makapag identify na PWD o magpalabas ng guidelines upang masiguro na ito ay benepisyaryo habang ang mga tricycle driver ay tiniyak nito na mabibigyan ng financial assistance .