NAGA CITY – Nasa 977, 626 ang estimated number ng stunted o bansot na mga bata sa Pilipinas na target maging beneficiaries para sa PMNP o Philippine Multisectoral Nutrition Project na programa ng pamahalaan katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).
Ayon kay Adelaida Escurel, Deputy Regional Program Manager ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services o KALAHI-CIDSS ng DSWD Bicol sa isinagawang Media Forum sa Naga City, 60 mga bayan sa buong Bicol Region. 30 mga Municipalidad naman sa probinsya ng Camarines Sur ang kasali o project implementation sites ng programa na may stunting rate na mas mataas o katumbas ng 17.5%, na may mataas na saklaw ng kahirapan, may karanasan sa pagpapatupad ng mga proyekto ng KALAHI-CIDSS ng DSWD at kabilang sa mga sakop ng Human Development at Poverty Reduction Cabinet Cluster (HDPRC/PPAN) na priority areas.
Kung saan layunin ng programang pataasin ang simultaneous utilization ng package ng nutrition-specific at nutrition-sensitive interventions at pagbutihin ang mga pangunahing pag-uugali upang mabawasan ang stunting o pagkabansot sa mga target na Local Government Units.
Sa programang ito kasama ang Performance-Based Grants (PBG), mula sa DOH na criteria pa rin ng KALAHI-CIDSS, hinggil sa status ng medical nutrition services, compliance ng mga Local Nutrition Action Plan ng bawat LGU, at nutrition monitoring.
Ang Municipal Grant Allocation (MGA), ay mula naman sa DSWD na kailangan may ambag ang bawat barangay sa LGU, mas maraming bilang ng mga malnourish mas maraming ambag.