3 suspek sa panghoholdap sa isang logistic company sa bayan ng Narra , nahuli na

Agad na nahuli ng pulisya ang tatlong suspek sa panghoholdap sa isang logistic company (J & T Express) sa Poblacion, Narra Palawan.

Hawak na rin ngayon ng pulisya ang ilang halaga ng pera na kinuha ng mga suspek.

Ito ang naging resulta ng ginawang manhunt operation ngayong hapon ng Narra PNP sa pangunguna ni PMaj. Dhenies Acosta.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Ang dalawang suspek ay nadakip sa Poblacion Narra samantala ang isa ay naaresto sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa awtoridad, humigit kumulang  isang linggo pinagplanohan ang panghoholdap.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

kinilala ang mga suspek na sina Mike Corinth Gumandoy , Hero Escalante at Renejay Belviatura.

Hinahanda na ngayon ang kasong robbery laban sa tatlong suspek.

Magugunita, nilooban at pinagnakawan ng mga suspek ang J&T Express bandang ala 1:20 ng madaling araw, May 25, 2021.