3 sugatan sa aksidente ng motorsiklo at tricycle sa bayan ng Narra

Sugatan ang tatlong indibidwal matapos na masangkot sa aksidente sa kalsada ganap na 9:30 ng umaga kahapon, Ika-20 ng Setyembre sa National highway ng Bgy. Poblacion, Narra Palawan.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeric Manalo Ruiz,18 anyos,binata, isang tricycle driver na residente ng purok pag asa,bgy. Antipuluan Narra,  driver ng tricycle na kulay green,

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

habang kinilala Naman Ang sakay nito na siJyrene Navarro Baradas,19 anyos,Isang estudyante na residente ng purok 2, Brgy. Elvita.

Habang kinilala naman ang iba pa na sina Rix Tagbanua Deig, 28 anyos,may asawa, isang magsasaka kasama ang angkas nito sa Isang motorsiklo na JM magbanua Deig na kapwa residente ng upper Quirino extension, Bgy.Poblacion, Narra, Palawan.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Ayon sa Narra PNP,  galing sa bahaging sur ang tricycle na minamaneho ni Ruiz nang biglang mag U-turn ito patungo sa kabilang kalsada sa harap ng eskwelahan sa San Francisco Javier college kaya  mawalan ng kontrol ang motorsiklo na minamaneho ni Rix Deig at nabangga.

Ang mga nasugatan ay agad na dinala sa ospital ng Narra.