KORONADAL CITY – MAHAHARAP sa kaso na paglabag sa Anti-Cattle Rustling Law ang 3 sa 4 na suspek ng pagpananakaw ng baka sa Sitio Matlong, Barangay Lamba, Banga South Cotabato. Kinilala ang mga ito na sina Alyas Tig-a, Alyas Doki, Alyas Nano na pawang residente ng Barangay Lam-apus, Banga; samantala at-large naman si Alyas Bulit na residente ng Barangay Lamian, Surallah.
Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PLt.Col. Emerson Policarpio, hepe ng Banga PNP, inihayag nito na nangyari ang pagnanakaw noong Enero 18 sa Barangay Lamba, Banga kung saan kanila umanong sinamantala ang pag-ulan upang makuha ang tatlong mga baka. Umaga ng Enero 19 ng nalaman ng pamilya Tabobo na wala na ang kanilang mga alagang baka. Ayon kay Policarpio, nakita ang mga baka sa Sitio Quirino, Barangay Maculan, Lake Sebu kung saan dinaan umano ng mga suspects ang mga ito sa mga Barangay ng New Antique at Lambontong sa Banga; hanggang sa Tubi-ala ng Surallah.

Inihayag ng opisyal na ang layunin ng pagkuha ng Barangay Certification sa Tubi-Ala ay upang maibenta ang mga baka. Nagkakahalaga umano ng P170,000 ang tatlong mga baka base sa kanilang imbestigasyon. Dahil umano sa pagkalat sa Social Media gayundin sa broadcast sa Brigada may report na natanggap ang mga otoridad na may mga baka sa nasabing mga barangay dahilan na kanila itong biniripika at ito ay nakumirma.
Una nito, naimbitahan lamang umano sila alyas Doki at alyas Nano na pawang mag-uuling sa nasabing barangay. Nahati-hati rin umano ng mga ito ang kanilang pera ngunit narekober sa dalawang tig-P36,000. Dagdag ng opisyal na mga first-timer ang nasabing mga magnanakaw kung saan ang kanilang nabentahan ay pawang ahente o dicer din ng baka.