3 Pilipino – nagtamo ng ‘minor injuries’ sa lindol sa Taiwan

Kinumpirma ng Depatment of Migrant Workers (DMW) na mayroon nang tatlong mga Pilipino na nasugatan sa magnitude 7.5 na lindol kahapon sa Taiwan.

Ayon kay DMW officer-in-charge Usec Hans Leo Cacdac – nasa maayos na ang kalagayan ng talong mga Pilipino.

Ang isa rito ay nabagsakan daw ng kisame at nagtamo ng minor head injury.

Ang isa naman ay mayroong injury sa kamay; habang ang isa ay hinimatay.

Sa ngayon – stable na ang kanilang kundisyon, at nakalabas na rin ang ospital ang dalawa.

Read More:  Around 1M DepEd personnel expected to receive mid-year bonus

Sa huli – tiniyak ng DMW ang financial aid sa ating mga kababayan.

Handa rin daw sila sakaling mayroong humiling ng repatriation para makabalik sila dito sa Pilipinas.

Nakikipag-coordinate na rin umano sila sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) para sa mga nangangailangan ng pansamantalang matutuluyan.

Bilang ng mga nasugatan sa Taiwan Quake – umakyat na sa mahigit 1,000

Lumobo pa ang bilang ng mga missing at mga sugatan sa naganap na magnitude 7.5 na lindol kahapon sa Taiwan.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Sa huling tala ng local disaster management agencies – umakyat na sa mahigit 1,000 ang mga injured persons.

Mayroon na ring 48 na mga missing kung saan – 42 dito ay mga hotel workers sa isang national park.

Sa ngayon – tuluy-tuloy pa rin ang search and rescue operations ng mga otoridad.

Mayroon na ring mga na-rescue mula sa mga na-trap sa gumuhong gusali; at sa isang minig area.

Pinaghahandaan na rina ng posibilidad ng page-air drop ng supplies sa lugar.