Pagdami ng presensya ng Chinese sa Paranaque City, ‘fake news’ – SP

Matapos ang napapabalitang pagdami ng presensya ng mga Chinese national sa isang village sa Paranaque City, agad na nagsagawa ng imbestigasyon at beripikasyon ang Southern Police District.

Sa isang pahayag sinabi ng SPD na batay sa kanilang koordinasyon sa security personnel at homeowners association, ay walang katotohanan na dumadami ang chinese sa lugar at mas kaunti pa daw ito kumpara noong kasagsagan ng POGO habang ang presensya naman ng Chinese look military umano sa lugar ay posibleng security lamang na nagjojogging sa loob ng village.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Kaugnay nito, hindi naman ipinagsasawalang bahala ng SPD ang posibleng presensya ng Chinese sa lugar at tinitiyak rin ng SPD ang kaligtasan ng publiko sa naturang village at hinikayat ang publiko na agad ireport sa pulis ang anumang kahinahinalang mga kilos.

Samantala, magsasagawa rin ng background investigation ang Armed Forces of the Philippines katuwang ang Philippine National Police sa at iba pang ahensya ng gobyerno tungkol dito.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Ayon sa AFP, aalamin nila kung may kahina-hinalang aktibidad ang mga chinese sa Paranaque.

Nabatid na nagpahayag ng pagkabahala ang ilang mga residente ng village dahil sa kaduda dudang presensya ng chinese kanilang mga lugar na kung ilalarawan ay mga mukha umanong sundalo.