Ilan pang kapwa-akusado ni Quiboloy – sumuko na

Tiniyak ng Police Regional Office 11 ang patuloy na koordinasyon at kooperasyon sa iba pang law enforcement agencies.

Ito’y para sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kinakaharap na kasong child abuse.

Ayon kay PRO 11 Regional Director PBGen Alden Delvo, bagamat hindi natagpuan si Quiboloy sa ilang lokasyon sa Davao City nang isilbi ng warrant of arrest na inisyu ng korte kahapon, ang kanyang abogado naman na si Atty. Trinidad Arafol II ang tumanggap nito.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Kahapon, nakapaglagak na ng piyansa ang 3 kasamahan ni Quiboloy sa kaso matapos sumuko sa mga awtoridad.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Ngayong umaga, dalawa pa sa mga akusadong kasama ni Quiboloy ang sumuko sa National Bureau of Investigation.

Naniniwala si BGen. Delvo na n nasa Pilipinas pa si Quiboloy at tiwala siyang darating ang panahon na makumumbinsi rin siya ng kaniyang mga abogado na lumutang at harapin ang kanyang kaso.