3, patay matapos malason sa nakaing butete sa Libon, Albay

PATAY ang tatlong indibidwal habang apat naman ang nasa hospital matapos na malason ng kinaing pufferfish o butete sa Barangay Tambo bayan ng Libon, Albay.

Isa sa mga ito ang nakahuli ng naturang butete at agad na iniluto kahit hindi pa nalilinisan at tinatanggalan ng lamang loob na siya naman kinain ng dalawang pamilya.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Kinain naman ito ng nasabing pamilya bandang alas-11 ng umaga at agad na nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka at dito na agad dinala sa Pantao District Hospital ang pitong myembro ng pamilya subalit tatlo rito ay ideneklarang patay.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kasalukuyang nasa Bicol Regional Hospital and Medical Center o BRHMC ang apat na natitirang miyembro para sa mas malalim na eksaminasyon. (with reports from BNFM Legazpi | JULIE RODRIGUEZ-BELLEN)