Siniguro ng lokal na pamahalaan ang maiaabot na tulong sa pamilya ng tatlong indibidwal na nasawi matapos magbanggan ang sinasakyan nitong motorsiklo at isang government vehicle nitong Martes ng gabi.
Sa ulat ng Koronadal City Police Office, kinilala ang mga nasawi na sina Rogela Bayang, 26-anyos residente ng Purok Acharon, Calumpang, General Santos City at ang magkapatid na sina Rhialyn Hilaria, 21-anyos at Vivian Hilaria, 18-anyos, pawang residente ng nasabing barangay.
Base sa imbestigayon, papuntang Koronadal proper ang pick-up na pag-mamay-ari ng BFAR 12 ng mag-overtake ito sa sinusundang topdown sa inner lane ngunit may naunang tricycle
Samantala siniguro naman ni BFAR XII OIC Assistant Omar Sabal ang tulong na ibibigay sa mga naulaling pamilya ng tatlong biktima.