3 pang PBA players, pinagmulta ng PBA dahil sa ‘ligang labas’

Tatlo pang PBA players ang pinagmulta ng Commissioner’s Office dahil sa pagsali sa isang exhibition game kamakailan nang walang basbas ng kanilang mga koponan at ng liga.

Pinagmumulta ng tig-P50,000 sina Kent Salado ng NorthPort at Blackwater teammates na sina Ato Ular at Rey Suerte , matapos sumali sa isang invitational tournament sa Davao City.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Ayon sa PBA website, naging “apologetic” naman raw ang mga manlalaro nang makaharap si PBA commissioner Willie Marcial.

Read More:  Spain beats Argentina to win 2026 FIFA World Cup title

Matatandaang una nang pinatawan ng multa ni Marcial ang sampu pang PBA players kabilang ang dating NLEX cager na si JR Quinahan at Rain or Shine’s Beau Belga na nahuling nakibahagi sa isang away laban sa isang foreign team sa Cebu.//CA