3 kabilang ang 2 pulis, arestado matapos umanong magnakaw ng pera at motorsiklo sa Quezon City

Sa kulungan ang bagsak ng dalawang pulis at isa pa nitong kasamahan matapos umanong tangayin ang pera at motorsiklo ng isang lalaki sa Bgy. BalonBato sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa sila ng follow-up investigation sa isang insidente ng pamamaril sa lugar noong Lunes nang marinig nila na may komosyon sa ibaba ng Bgy. Hall.

Dito na nila nakita na may isang lalaki na hinahabol ang tatlong iba pang lalaki na sakay ng mga motorsiklo kaya agad silang rumesponde kung saan naharang nila ang mga ito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nagpakilala ang dalawa sa mga ito na mga pulis na nakatalaga sa Caloocan Police Sub Station 6 at nagsasagawa umano sila ng operasyon laban sa isang indibidwal na sangkot sa ilegal na droga.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Pero nang hanapan nang kaukulang dokumento ng operasyon ay walang naipakita ang mga ito.

Ayon sa biktima, tinangay ng mga pulis ang motorsiklo at pera niya na nagkakahalaga ng P16,000.

Sinampahan ng reklamong Unlawful Arrest, Robbery at Carnapping ang mga suspek na pulis habang Usurpation of Authority at Illegal Possession of Firearms naman ang isinampa sa kasama nilang sibilyan na nahulihan din ng baril.