3 paaralan sa Taguig City, binulabog ng bomb threat

Nakatanggap ng bomb threat ang tatlong paaralan sa Taguig City.

Ito ang kinumpirma mismo ng Taguig Police Station.

Ayon kay Police Col. Robert Baesa, kabilang sa mga nakatanggap ng bomb threat ang University of Makati (Umak), Bonifacio Elementary School at West Rembo Elementary School.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Batay sa imbestigasyon, nagnegatibo naman sa anumang uri ng pampasabog ang tatlong nabanggit na paaralan.

Sa ngayon, hindi pa makumpirma ng Taguig Police kung galing din ba sa email ang bomb threat at patuloy pa itong iniimbestigahan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Una na ring rumesponde ang naturang pulisya sa tanggapan ng National Mapping and Resource Information Authority at Department of Science and Technology (DOST) kaugnay pa rin sa bomb threat noong isang araw.