Ilang mga bata sa Camarines Sur posibleng hindi na lumahok sa Bakunahang Bayan ayon sa isang doktor

NAGA CITY- Malaki ang posibilidad na hindi magpabakuna ang ilang mga bata sa nationwide Bakunahang Bayan II ngayong Disyembre 5-7 ayon sa isang doctor sa Camarines Sur pero patuloy ang panghihikayat.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Tinambac Municipal Health Officer Dr. Paul Reazon, paliwanag nito may mga magulang kasing natatakot na magkalagnat ang bata at hindi makapasok kinaumagahan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Tulad ng ibang mga bayan problema rin sa lugar ang vaccination rate  sa edad 5-11 anyos na ngayon ay 30%. 

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Gayunpaman sisikapin nila,  kasama ang Department of Education  (DepEd) at iba pang ahensya na mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19 ang target population.

Ayon sa DOH Dahil sa Bakunahang Bayan, Paskong Pilipino mas PinasLakas!