Isinagawa ngayong araw sa Camp Juan Villamor, Barangay Calaba, Bangued, Abra ang pagpapasakamay sa mga bagong kagamitan ng Abra Police Provincial Office.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PRO- Cordillera Administrative Region Regional Director PBGen David Peredo Jr.
Nasa 22 units ng 5.56mm Basic Assault Rifles ang ipinamahagi sa Abra PPO at dalawang motorsiklo naman ang ibinigay sa Bangued Municipal Police Station.
Binigyang-diin ni PBGen Peredo Jr. ang kahalagahan ng mga bagong kagamitan sa kapabilidad ng kapulisan sa patuloy na pagtiyak ng seguridad at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.