3 LGU sa So.Cot, nasa yellow zone na ng ASF

KORONADAL CITY – TATLONG mga local government units o LGU na sa lalawigan ng South Cotabato ang na-upgrade sa yellow zone mula sa pink zone ng African Swine Fever o ASF zoning status.

Ang mga ito ay ang bayan ng Surallah, Tupi, at Koronadal City na sa ngayon ay nasa surveillance zone na lamang ng ASF.

Nananatili naman sa pink zone o buffer zone ang bayan ng Banga, Norala, Tampakan, Tantangan, TBoli, Sto.Nino at Lake Sebu. Samantala ang Polomolok ay ligtas pa rin sa ASF at nasa dark green zone.

Pinagsisikapan ngayon ng provincial government na maging ASF-free ang buong lalawigan upang masimulan na ang repopulation program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *