SOX National Arts Congress 2024, pinaghahandaan na ng Ko’Gon

KORONADAL CITY – PINAGHAHANDAAN ng mga Ko’gon Visual Artists at SOX Congress group ang nalalapit na SOX National Arts Congress 2024. Ito’y makaraang hinamon nang National Commission for Culture and the Arts o NCCA na buhayin muli ang visual arts sa SOCCSKSARGEN.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Ko’gon Visual Artists Mario Villar at Andre Lagos, inihayag ng mga ito na inilalatag na ng mga ito ang mga aktibidad ng kanilang grupo para sa nasabing pagtitipon. Handa na umano ang mga art exhibits at profile exhibits ng mga artists na plano na isagawa sa lungsod ng Zamboanga.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Iprinisenta rin umano ng grupo ang bago nilang exhibit area na nasa Rizal Park ng lungsod ng Koronadal.