Heat index ng Naga City na umaabot ng mahigit 40 degrees celsius hindi alintana ng mga personahe ng COMELEC

NAGA CITY Hindi alintana ng mga personahe ng Commission on Election sa Naga City ang nararanasang init na umaabot ng sobra sa 40 degrees Celsius dahil sa tuloy din ang ginagawang mobile voter’s registration sa ilang barangay ng lungsod,na ginawa na rin sa Bagumbayan Sur at Norte noong nakaraang linggo.

Bukas araw ng Miyerkules ang mobile registration ay gaganapin naman sa Barangay Abella at sa Biyernes naman ay sa Barangay Pacol na kung saan target ay ang mga kabataan o mga first time voters,pati na rin iyong mga buntis na nanay at mga senior citizens.

Sinabi sa Brigada News Fm Naga ni Atty. Maico Julia Jr.,Comelec officer na wala naman silang nakikitang anumang problema sa venue nila dahil nga sa inihanda na ito ng mga barangay opisyal at lahat naman anya sila ay komportable,sa kabila ng mainit na panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *