3 katao bagong nagpositibo sa COVID-19 sa bayan ng daet

CAMARINES NORTE-Nagpositibo sa COVID- 19 ang tatlo katao mula sa bayan ng Daet batay sa ulat ng Municipal Health Office na may petsang September 03, 2022

ang 47 anyos na si  Bicol Code no 63004 ay isang government employee mula sa Brgy Lag-On na unang nakaranas ng sintomas nitong August 28, 2022 at lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 Noong August 31.

Ang 35 anyos naman na si Bicol Code No. 63004 ay isang Helath worker mula sa Brgy VIII na unang nakaranas ng sintomas nitong August 28, 2022 at lumabas ang resulta na positibo ito sa COVID- 19 Noong Sept 01.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Habang ang isa pa ay  wala pang inilalabas na detalye at impormasyon ang MHO

Ang mga bagong kumpirmadong kaso ay walang naitalang travel history at history of exposure

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa kasalukuyan ang bayan ng Daet ay mayroong 12 aktibong kaso ng COVID-19

Tiniyak naman ng LGU na patuloy ang kanilang isinasagawang contact tracing upang mapigilan ang lalo pang pagdami ng kaso ng COVID- 19

Paalala ng LGU na ngayong tumataas na naman muli ang mga kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan, kinakailangang paigtingin pa rin ng lahat ang pagsunod sa health protocols