Grupo ng drayber at operators ng dyip, wi-nelcome ang pagbubukas ng pre-pandemic routes

Wi-nelcome ng ilang mga grupo ng jeepney drivers and operators ang gagawing pagbubukas ng nasa 40 na mga ruta ng dyip.

Ito ay makaraang i-anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang balik-biyahe sa 42 jeepney routes na ipinasara noong pandemic.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Sa panayam, sinabi ni Pasang Masda president ka-Obet Martin na malaki ang maititulong nito para sa mga drayber.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Aniya, ngayong nagtaas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo – makatutulong ang re-opening ng mga naturang ruta para sa mga pangkabuhayan ng kanilang mga miyembro, at ng iba pang mga jeepney drivers.