3 babae sa Cebu, sugatan matapos sapakin ng lalaking galit daw sa mga magaganda

Arestado ang isang lalaki dahil sa pananakit sa tatlong babaeng nakasalubong niya sa Cebu City.

Ang dahilan ng suspek, galit daw siya sa mga magaganda at ayaw nito sa mga magagandang babae dahil umano sa pagiging fake.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang unang biktima, siniko ng suspek sa kaliwang mata habang nasuntok naman sa ilong sumunod nitong biktima.

Nagtamo naman ng sugat sa kaliwang mata ang ikatlong biktima matapos ring suntukin ng suspek.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Desidido naman ang mga biktima na sampahan ang suspek ng reklamong multiple serious physical injuries.