3 huli sa drugs operation sa bayan ng Bataraza

Arestado ang tatlong drug suspect ganap na alas-diyes kagabi sa Sitio Bukid-bukid, Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.

Ang mga suspek ay sina Rowena Daunan Beligan, 31 anyos,

Sulayman Musablim  Abdulkadir, 53 anyos at si Mapor Salibara Hereral, 27 anyos na mga residente sa Brgy. Inogbong, Bataraza.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, ang mga suspek ay hinuli ng Bataraza MPS at 1st PPMFC o Palawan Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ng drug- buybust operation.

Sa operasyon ay nakabili umano sa isa sa mga suspek ng isang pakete ng suspected shabu sa halagang isang libong-piso.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Narekober pa sa tatlong suspek ang mga sumusunod na ebidensya:

a. Tatlong piraso ng  heat-sealed transparent plastic sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang  0.6 grams na may tinatayang halaga na aabot sa anim na libong piso.

b. Isang (1) transparent plastic container

c. Isang maliit na aluminum foil

d. 2 piraso ng  Five Hundred Peso bill (Php 500.00 na) buy bust money);

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

e. Tatlong units ng cellphone: Nokia keypad, color blue, Huawei touch screen with Marlboro case at Oppo

 A74 touch screen, kulay brown,

f. Isang sling bag na kulay itim (CAT)

g. Isang wallet na kulay itim.

h. at anim na pirasong tig-iisang libo piso.

Nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Sections 5 & 11, Article II of the Republic Act  No. 9165  o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Samantala, dinala na ang mga ebidensya sa Palawan Provincial Crime Laboratory Office (PALPCLO) upang suriin.