3 KaBrigada, wagi sa 1st Monthly draw ng Milyong Saya sa Brigada – Balik Biyaya promo!!!

Umulan ng pa-premyo ang unang monthly draw ng Milyong Saya sa Brigada Balik Biyaya promo Year 2 na idinaos ngayong umaga.

Tatlong ma-swerteng mga winners ng tig-P10, 000 at tig-P20,000 mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang naambunan ng swerte.

Kabilang sa mga nanalo ng dalawampung-libong piso ay ang powercells user na si Saturnina Sitchon ng Olongapo City.

Twenty-thousand pesos din ang napanalunan ng Guard C user na si Tita Pedrosa Tahadlangit mula sa Bogo City at ang drivemax coffee user naman na si Raymund Gellangarin mula sa General Santos City ang kumumpleto sa 20,000-peso winner.

Makakatanggap naman ng tig-5,000 pesos ang mga suking botika na binilhan ng mga Brigada Healthline products na ginamit sa kanilang entry.

Samantala tig-diyes mil naman ang matatanggap ng mga lucky winners na sina Luisito dela Rosa ng Atimonan Quezon, Rico Anobling ng San Carlos City, at Genaro Selga ng Tacurong City.

Ang 1st monthly draw ng Milyong Saya sa Brigada Balik Biyaya Promo year 2 ay supervised ng mga kinatawan mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Hindi naman dapat malungkot ang mga entry senders na bigong mabunot sa monthly draw dahil kasali pa rin ito sa semi-final draw kung saan hangang P500,000 ang pwede mapanalunan at may tiyansa din sa dalawang 1-million pesos na premyo sa Grand Draw sa darating na Disyembre.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *