3-day online Job Fair ng DOLE Bicol magsisimula na bukas

Magsisimula na bukas ang tatlong araw na online o virtual job fair ng Department of Labor and Employment Regional Office V in koneksyon pa din ng taunang Labor day tuwing May 1.


Ayon sa DOLE Bicol, dahil sa mga restrictions tulad ng pagbabawal sa mass gatherings ngayong Covid-19 Pandemic, mas minabuting Virtual gagawin ito. Ang nasabi umanong job fair ay katuwang ang Workbank.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

layunin umano nito na ma promote ang pagkakaroon ng trabaho, negosyo at kabuhayan sa mga lugar sa Bicol Region.


Samantalang, aabot naman sa 1,431 job vacancies ang bubuksan sa mga naghahanap ng trabaho.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu


Dadag pa nito, sa mga gusto umano na makilahok ay maaari silang bumisita sa link na bit.ly/wb-dole5-reg para magregister muna para sa mga detalyes.

Maliban dito, itatampok din ang ibat ibang produktong Bicolnon sa nasabing aktibidad.