Inirekomenda ni Health Secretary Francisco Duque sa National Task Force Against COVID-19 ang bagong schedule para sa second round ng nationwide vaccination sa mga lugar na maapektuhan ng tropical storm Rai.
Sa Talk to the People na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi ni Duque na pwede itong gawin mula December 20-22 mula sa orihinal nitong schedule na December 15-17.
Umaasa ang kalihim na maaprubahan ng Pangulo ang bagong schedule sa gitna ng pag-monitor nito sa panahon.
Samantala, naiulat ng PAGASA na posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong araw ang bagyo, na papangalanan nito bilang “Odette”.
Inaasahan naman ang pag-landfall nito sa December 16 sa bisinidad ng Caraga o Eastern Visayas.
