2nd National Fishing Tournament, aarangkadang muli sa Abril

SORSOGON CITY – Muling isasagawa ng LGU-Barcelona, sa pakikipagtulungan ng Sorsogon Provincial Tourism Office ang kanilang 2nd National Fishing Tournament.

Nakatakda ito sa ika-siyam at ika-sampu ng buwan ng Abril ng kasalukuyang taon at  babatayan sa pagpili ng mananalo ay ang makahuhuli ng pinakamalaki at pinakamabigat na isda.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aabot sa P15K ang naghihintay na premyo para sa makakasungkit ng unang puwesto, P10K naman sa 2nd prize at P5K sa 3rd prize.

Parehong halaga naman ang gantimpalang tatanggapin ng mga magwawagi sa boat crew.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kaugnay nito, lahat ng mga interesadong sumali ay inaanyayahang lumahok kung saan ang registration fee ay nagkakahalaga ng P1500K at P2500K para sa boat fee.

Ang deadline naman sa pagpapatala ay hanggang sa March 25, 2022.