2M pang AstraZeneca COVID-19 vax doses, dumating na sa PH

Dalawang milyon doses pa ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na ibinigay ng global aid facility COVAX ang dumating sa Pilipinas ngayong hapon.

Ito ang ikalawang shipment ng AstraZeneca doses para sa bansa.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Ayon sa National Task Force against COVID-19 ang 2,028,000 doses ay dumating sa NAIA Terminal 3, ngayong hapon.

Una nito, noong Miyerkules nang dumating rin sa bansa ang donasyon ng Japanese government na mahigit 1.1 million doses ng AstraZeneca.

Dahil dito, ang kabuoang AstraZeneca vaccines na natatanggap na ng Pilipinas ay nasa 5,708,100 doses.

Ang AstraZeneca, na ibinibigay ng dalawang doses, ay may efficacy rate na 70% matapos ang first dose, batay sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration (FDA). // MHEL PACIA-TRINIDAD