Ipagpapatuloy ng gobyerno ang kanilang targeted special vaccination days ngayon buwan, upang lalo pa mapaigting ang COVID-19 inoculation sa mga piling lugar at rehiyon na may mababang vaccination coverage.
Ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje, na ang special vaccination days ay “variant” ng national vaccination days na tinatawag na “Bayanihan, Bakunahan.”
Ito ang tutukoy kung saan pang mga lugar ang nangangailangan ng “special help” sa pagtugon ng vaccination drive laban sa viral disease.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na ang special vaccination days sa Cebu province, Davao region, at Cotabato City ay mula March 29 to 31, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula March 30 hanggang April 1.

Aminado naman si Cabotaje na ang COVID-19 vaccination sa BARMM ay nanatiling hamon, dahil ito umano ay nasa ibaba ng listahan na mayroon lang 26% o 940,000 mula sa kanilang target population na 3.5 million na nakakompleto ng primary vaccine series.