27 anyos na binata, patay na nang muling makita ng kanyang ina

Bangkay na nang matagpuan sa kanyang kwarto ang isang bente-syete anyos na binata sa Bountiful Subdivision sa Libis Road Barangay San Pedro kaninang umaga.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Kinilala ng kanyang ina ang binata na si Renier Louie Cruz, nagtrabaho bilang food crew.

Wala pa umano ngayong ideya ang mga mahal sa buhay ng binata sa dahilan ng maagang pagkamatay nito.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, nakatakda itong i-autopsy upang malaman ang sanhi ng pagkamatay.