LEGAZPI CITY – Ngayong Nobyembre ay nakikiisa ang Department of Agriculture – Philippine Rice Research Institute (DA-PHILRICE) Bicol sa pagdiriwang ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) kaugnay ngtemang, “UNiTED for a VAW- FREE Philippines.
Ayon sa tanggapan, mas napapabilis ang pagkamit ng sapat na pagkain at nutrisyon kung malaya ang mga kababaihan mula sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso.
Aniya, malaki ang ambag ng kababaihan sa agrikultura dahil ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong 2018, 23% ng ating mga manggagawa sa agrikultura ay kababaihan.
Sa parehong datos, isa sa apat na kababaihan ang nakaranas ng lahat ng uri ng pang-aabuso at 41% sa kanila ay hindi humihingi ng tulong.
Layunin ng aktibidad na kilalanin ang tagumpay ng bansa sa pagsugpo ng VAW; sukatin ang kamalayan ng bawat mamamayan tungkol dito, at patuloy na ipalaganap ang mga impormasyon patungkol sa mga batas at mga serbisyo na nagpoprotekta sa kababaihan at mga kabataang babae mula sa karahasan at pang-aabuso.