26 recoveries naitala sa Camarines Norte ng DOH Bicol kahapon

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 1,168 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit na COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Sa ipinalabas na report ng DOH Bicol kahapon, nadagdagan ng 26 na recoveries ang lalawigan na nagbunsod upang umakyat sa 76.49% ang recovery rate ng mga pasyenteng tuluyan ng nakakarekober sa sakit

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Habang sa loob ng dalawang araw ay wala namang naiulat na panibagong kaso ng sakit sa lalawigan ng Camarines Norte gayundin ang bilang ng mga nawalan ng buhay matapos maapektuhan ng virus

Kung kaya’t nananatili ang kabuuang bilang nito sa 1,493 at 77 total death toll

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Bumaba naman sa 248 ang aktibong kaso matapos ang naitalang mga recoveries