KORONADAL CITY – INILUNSAD na ang ika-25 nga T’nalak Festival at ika – 58 foundation anniversary celebration ng South Cotabato sa buwan ng Hulyo na may temang “Cultural Brilliance:Weaving Traditions, Honory Roots, Celebrating Legacies”.
Sa launching, inilatag ang mga aabangang aktibidad katulad ng street dancing competition, agri-trade fair, Mutya ng South Cotabato, hiphop dance competition, RockRakan, Folk Dance Competition, motocross, Dance Sport, at marami pang iba. Sentro ng pagdiriwang ng 25th T’nalak Festival ang pagbibigay pugay sa limang mga Gawad sa Manlilikha ng Bayan o GAMABA Awardees ng lalawigan na sina Be’Lang Dulay, Fu Yabing Masalon Dulo, Barbara Kibed Ofong, Rosie Godwino Sula, at Bundos Bansil Fara.
