25-30k jeepney drivers at operators, inaasahang lalahok sa 2 araw na tigil-pasada sa buong bansa

Nasa 25 hanggang 30 thousand na mga jeepney drivers and operators ang inaasahang lalahok sa mga programa kaugnay ng ikinasang 2 araw na tigil-pasada ng grupong PISTON at MANIBELA sa buong bansa simula ngayong araw.

Ito ang sinabi ni PISTON deputy sec. Ruben Baylon sa programa sa UP Diliman kaninang umaga.

Sinabi ni Baylon na patuloy ang picket protest na isinasagawa hindi lamang sa iba’t-ibang lugar sa kalakhang Maynila kundi maging sa Bacolod, ilo-ilo at sa Cebu.

Inihayag din ni Baylon ang pagkondena nila sa ibinigay na deadline ng pamahalaan sa PUV consolidation dahil tiyak umanong mababaon sila sa utang.

Inaasahan din nilang mapapakinggan sila ng Kamara sa pamamagitan ng pagbalangkas ng batas at sistema na naaayon sa kalagayan ng mga jeepney operators.

Samantala, matapos ang programa sa UP Avenue, magsasagawa rin sila ng noise barrrage sa tapat ng LTFRB, matapos nito ay magtutungo sa Mendiola para sa isang programa ngayong hapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *