24 pesos na proposed wage increase, isang insulto sa mga manggagawa – kongresista

Malaking sampal sa hanay ng mga manggagawa ang ipinapanukala ng ilang grupo ng employers na dagdagan ng 24 pesos ang minimum wage sa Metro Manila.

Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, pang-iinsulto ang isinusulong ng mga employer at malayung-malayo sa realidad na kinahaharap ng mga manggagawa.

Mas napapanahon aniya na itaas ang sahod sa 750 pesos upang kahit paano ay mailapit sa Family Living Wage na 1,200 pesos.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ipinunto ni Brosas na ang 610 pesos na kasalukuyang minimum wage ay hindi na sapat para matustusan ang pangangailangan ng bawat pamilya.

Mariin namang tinutulan ng kongresista ang panawagang moratorium sa wage increases dahil lalo lamang malulugmok sa kahirapan ang mga manggagawa.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Dagdag pa nito, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang kapakanan ng mga manggagawa kaysa kita o pakinabang ng malalaking negosyo.

Nakabinbin pa sa House Committee on Labor Employment ang mga panukalang umento sa sahod kabilang na ang House Bill 7568 o ang National Minimum Wage Act na nagtatakda ng 750 pesos na wage increase sa lahat ng manggagawa sa buong bansa.