CHED Chairperson Popoy De Vera at isang pinuno ng foundation, inirekomenda bilang susunod na DepEd Secretary

Naniniwala si House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na makabubuting pumili na si Pangulong Bongbong Marcos ng susunod na mamumuno sa Department of Education.

Ayon kay Salceda, lubhang mahalaga ang DepEd para mabakante ng matagal ang posisyon.

Dahil dito, inirekomenda ni Salceda sa pangulo na pagpilian sina Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera at Synergeia Foundation Head Milwida Guevara para sa Education Secretary.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ipinunto ng kongresista na maraming mahihirap at “underserved” na mga komunidad ang natulungan ng pagsusulong ni De Vera na mapondohan ang community colleges sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education program.

Binago aniya nito ang basic education landscape dahil maraming napagtapos ang community colleges na naging teachers.

Pinabilis din umano ng opisyal ang ugnayan sa pagitan ng DepEd at CHED sa paghahatid ng basic education programs.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Bukod dito, iginiit ni Salceda na magkasama silang itinaguyod ang mga pribadong paaralan upang manatiling bukas noong pandemya kung saan posibleng umabot sana sa 140,000 basic education students ang natanggal kung hindi dahil sa tax reduction policies at subsidiya.

Samantala, ipinaliwanag ni Salceda na si Guevara ang nasa likod ng pagsusulong na ayusin ang basic education system bago pa lumabas ang ulat ng Programme for International Student Assessment o PISA.