Presyo ng gasolina tataas ng halos piso, diesel may katiting na rollback

Isinapubliko ng mga oil companies ang dagdag-bawas sa produktong presyo na nakatakdang ipatupad bukas.

Sa inilabas na anunsiyo ng SEAOIL petroleum magkakaroon ng 90 centavos per liter na umento sa presyo ng gasolina.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Mas mataas ito sa pagtaya ng Oil Industry Management Bureau na 70 centavos kada litro ng gasolina.

Samantala bababa naman ang diesel ng 30 centavos per liter habang kerosene ay may roll back na P1.35 per liter.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Inaasahan naman ang parehong paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ng iba pang mga oil firms.

Una nang sinabi ng DOE na ang mahigpit na supply and demand sa world market ang sanhi ng dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo.