23-anyos na lalaki, pinagbabaril habang naglalakad

Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Malabanban Sur, Candelaria, Quezon nitong Linggo, Hunyo 21.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad noon ang biktimang si alyas “Dexter”, 23-anyos, sa sidewalk ng Quiapo River nang walang anu-ano itong pinagbabaril sa ulo ng naturang suspek.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Dead on the spot ang biktima habang ang suspek ay tumakas matapos ang insidente.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang suspek at ang motibo nito sa pamamaril.