Nanindigan si Department of Environment and Natural Resources Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang 22 sinuspindeng Manila Bay reclamation projects ay taliwas o hindi nakaayon sa Manila Bay rehabilitation program ng pamahalaan.
Sa budget hearing sa House of Representatives, sinabi ni Loyzaga palagay nila ay may “contradiction” o hindi pagkakatugma sa pagitan ng reclamation projects at rehabilitation ng naturang lugar.

Ito aniya ang dahilan kung bakit isinasagawa ang cumulative impact assessment para mapagaan ang posibleng epekto ng mga pagbabago sa environment na maidudulot ng reclamation.
Kaugnay nito makikipagpulong ang ahensya sa unang batch ng scientist na inimbitahan para sa assessment, at magta-tap din umano sila ng foreign experts.