2+2 ministerial meeting sa pagitan ng US, Pilipinas ikakasa

Nakatakdang dumating sa bansa sina US Secretary of State Antony Blinken at Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ito’y upang makipagkita sa kanilang mga counterparts na sina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National Defense Gibo Teodoro.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Kaugnay ito sa gagawing 2+2 Ministerial Dialogue sa pagitan ng Pilipinas at US.

Kabilang sa inaasahang matatalakay sa dialogue ang pagpapalalim sa coordination on shared challenges, kasama ang South China Sea.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Pagtitibayin din mga opisyal ang parehong pananaw sa malaya at bukas na Indo-Pacific region at pag suporta sa international law.

Samantala, nakatakda ring makipag kita ang dalawang US officials kay Pangulong Bongbong Marcos.