Naghihintay nalang para marepatriate ang nasa 22 Filipinos na apektado ng paglusob ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, kabuoang apat ay nasa ay nasa western city ng Lviv sa Ukraine, may 13 sa Warsaw, Poland, at lima sa Moldova.
Una nito, may anim nang Pilipino na nakauwi ng Pilipinas.
Nabatid na 181 Filipino ay lumikas sa Lviv mula sa capital city na Kyiv, kung saan nangyayari ang kamihan sa mga pag-atake.

Samantala, may ilang kababayan na hindi umalis ng Ukraine, gaya ng mga nakapangasawa ng Ukrainians, habang ang iba ay isinama ng kanilang amo sa paglikas.
Ang assault ng Russia ay ang pinakamalaking pag-atake sa European state simula noong World War II. //MPT