Ticketing outlet na nagbibigay umano ng ‘falsified ticket’, bistado ng Brigada

Inireklamo sa Brigada ang isang ticketing outlet sa Purok Silangan Barangay Tagburos Puerto Princesa City dahil umano sa panloloko sa mga kliyente.

Ayon sa isang nagreklamo na si Ms. Nila Guibao, bumili sila ng ticket sa KL Ticketing Services and Travel Agency noong buwan ng Pebrero para sa biyahe nila sana noong July 21, 2022 patungo sa Bohol.
Subalit ipinaalam umano sa kanila ng may-ari ng outlet na wala raw flight noong araw na iyon patungong Bohol kaya na- cancel ang flight.

Dahil sa pangyayari ay hiniling nila sa outlet na i-refund na lamang ang ticket na nagkakahalaga ng mahigit P9, 000.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Binalikan ni Mrs. Mila ang ticketing outlet nitong nakalipas Sabado ngunit sarado na ito at hindi na rin daw ma-contact ang babaeng may-ari.

Nagreklamo din sa Brigada ang isa pang nakaranas di umano ng panloloko sa isang ticketing outlet sa Barangay Tagburos.

Ayon sa isang health worker, bumili siya rito ng ticket sa 2GO noong July 14, 2022 pero napag-alaman sa 2GO management na wala sa system ang ticket na nakapangalan sa kanyang mister at kapatid ng mister kaya hindi rin ito maaaring bumiyahe.

Maliban pa rito, napag-alaman din niya sa Air Asia na ang pina-reserved at biniling limang na ticket noong July 29, 2022 at August 3, 2022 ay ‘falsified’ o hindi naka-book ang lima niyang kaibigan.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon aniya sa may-ari ng ticketing outlet, na-move ang flight ng nakuhang ticket sa eroplano sa August 16, 2022 mula sa original na schedule na August 13 ngunit hindi pa rin sila nakabiyahe.

Gayunpaman, na-refund naman ang ticket sa eroplano pero nadismaya na ang apat niyang kaibigan na umasang makakabalik agad sa trabaho.

Samantala, hindi nagpaunlak ng panayam sa Brigada ang inirereklamong may-ari at sinabi nitong makikipag-usap lamang siya

-“private”.