212 estudyante, isinailalim sa SPES orientation

KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa orientation ng provincial government ng South Cotabato ang 212 na mga estudyante para sa Special Program for the Employment of Students o SPES.

Inihayag ni Public Employment Service Officer Flora Cavan na ang mga ito ay mag magtatrabaho sa loob ng 20-araw.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment o DOLE katuwang ang mga local government units na may layuning bigyan ng temporary employment ang mga mahihirao ngunit deserving na mga estudyante upang magkaroon ang mga ito ng sweldo na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Napag-alaman na 60% ng sahod ng mga SPES beneficiaries ay magmumula sa LGU habang ang 40% ay magmumula naman DOLE.