21 mga foreign investors, kasalukuyang nagpaparehistro na sa Pilipinas – PBBM

Iniulat ni Pangulong Bongbong Marcos na may 21 mga foreign investors ang nasa proseso na ng pagpaparehistro ng kanilang negosyo sa Pilipinas.

Nabangggit ito ng Punong Ehekutibo sa kanyang naging talumpati kahapon sa pagdiriwang ng Labor day.

Ang 21 mga foreign investors ay kasama sa halos dalawandaan proyekto na inaabangan ng Department of Trade and Industry o DTI na nagkakahalaga ng apat na trilyong piso.

Sa ngayon may walong negosyo ayon sa Presidente ang umaarangkada na sa bansa na bunga ng mga naging biyahe ng Chief Executive.

Nabanggit din ng Pangulo ang pag- aapruba sa investment promotion agency na nagkakahalaga ng 1.7 trillion pesos investment na makapagbibigay ng trabaho sa 108 thousand na mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *